Monday, June 16, 2014

Mga sagot ko sa mga tanong para sa komiks.


from my NOTES on my FB account


14 June 2014 at 23:57
from andoyman's questions:

1. May "growth" nga ba ang industriya ng komiks?

-  Depende ito sa kung saan ang paghuhugutan ng salitang " growth" Kasi, kung mula sa lumang estado ng komiks. Malayo pa ang kailangan lakbayin para matapatan ang DATING rurok ng tagumpay ng industriya ng komiks.

- Una ay ang popularidad at pagkalaganap nito. Nationwide ang distribution dati. Kahit saang sulok ka lumingon ay naroon ang komiks. Pero mataas ba talaga ang tingin sa komiks noon? Oo at hindi. Pagdating sa pinagkukunan ng mga ideya sa story at saya na dulot ng bawat pahina nito ay talagang mataas ang ranggo nito. Halos lahat ng pelikula noon ay hango sa komiks. Pagdating sa produksiyon ay bagsak ang komiks noon. Hindi maganda ang papel, pinambabalot sa tinapa. Para sa masa at di sa AB crowd. At ang kalidAd nito ay marahan, matagal pero diretsong bumababa sa pagkahaba haba ng panahon na nagsimula ito, ibig sabihin hindi progressive.

- Pero tandaan na ang dating komiks ay  wala na ngayon kaya ang growth nila ay wala na rin. So ano ba talaga ang komiks ngayon at ang growth nito? Sa panahon ngayon mula sa ibaba ang mga pag usbong ng komiks. Ang pamantayan ay mataas. Mas pagandahan ng papel, pabalat at kung anu-ano pa, Kulang sa editorial staff pero patuloy namang nagaayos sa sarili. Madami ang independent komiks. Ibig Sabihin, hindi na didiktahan kaya naman mas open ang paghugot sa orihinal na mga concepts. Patuloy pa rin itong gumaganda at natututo sa mga pagkakamali, ibig sabihin Progressive kaya naman may "growth".

- Isa pang indikasyon na umaangat ito ay ang pagbabalik tiwala ng mga publications na gumawa ulit ng mga graphic stories at hindi lang pawang mga prosa o yung mga nobelang tradisyonal. Sa ngayon, wala na sa bangketa ang komiks, isa ring malinaw na indikasyon na mas CLASS ang komiks ngayon. So, ang kulang na talaga ay ang pagPUNTA ng mga tao tungo sa komiks at tatawagin kong mga tamad ang mga tao na ang reklamo ay wala sa newstands nila TULAD ng dati. Sorry, ang dati aY Nakaraan. Get over it.

2. Dumadami ba ang mambabasa ng komiks?

- Ang pagdami ng mambabasa ay isang importanteng aspeto sa larangan ng komiks. Mas marami sila, mas mainam sa buhay ng komiks. Pero ang tamang tanong eh cheap pa ba ang komiks ngayon? Ito ay isang pagpipili ng mga gumagawa. Quality or quantity? Mas mahal man ang komiks ngayon ng hindi hamak, mas collectible naman ito. Mas mainam na alagaan natin ang mga gumagawa nito kesa sa bitiwan ang nasimulang adhikain na ayusin ang dating nasirang kinagawian. Dumadami ba? Oo pero sa mga gusto lang nilang libro. Dito nasasala ang mga kulang sa sapat na hanggang sa pinakamahusay na gawa ng mga taga komiks.  Kaya't importante na kung may gusto man sa gawa mo, di man sobra solid naman.


3. Naaabot ba ng industriya ang lower, middle, at higher class ng lipunan? Gaano 'to karami sa bawat class?

 - Sa panahon ngayon, lahat na yata may celphones at TV sa kahit na saang lupalop man ang maaaring magbasa ng komiks. Komiks is a choice of entertainment. Aabot at aabot din sila sa mga kamay ng mga gustong magbasa. Ang numero sa Tanong na ito ay may kahirapang sagutin at kahit anong tantiya mo dito ay hindi mo masasabing fact. Pero wala ito sa class, nasa dating ito ng prdukto. Ang spiderman ba ay pang AB? o CD crowd ba? ang sagot dito ay para sa lahat ng crowd. So masa o hindi May karapatang magandahan sa anumang obra sa komiks.


4. Naniniwala ka bang kaya hindi nabibigyan ng exposure sa mainstream media ang mga komiks ngayon sa kadahilanang hindi ito pang-mainstream?

 - Ano ba ang mainstream? yung malakas sa networks ba kaya may exposure? Kung ganun wala rin nito ang lumang komiks. Ang tanging media nila ay mga pagsalit salitan ng mga kwento ng mga tao na nakapagbasa na nito. Sa ganitong paraan ay nadagdagan ang mga maaaring bumili pa ng iba pang storya sa loob ng isa pang komiks magazin. Ganun kami noon. Ang tamang paraan ng isang masiglang industriya ng komiks ay ang kakayahan nitong mapagsaluhan ng mas maraming mambabasa. Palitan pa kami ng komiks minsan. Pag wala kang kopya, maghahanap ka sa ibang kapitbahay para dito. Ang kinagawiang ito ay isang praktikal na pamamaraan para ma advertise ang mismong komiks noon.  Ang pelikula ay mas kilala kung mas marami ang nakabasa sa komiks kesa sa ngayon na nasa-ikomiks nga pero konti naman ang nakapag basa ng komiks na pinagmulan nito.


5. Paano natin mas maitataguyod ang industriya?

 - MagtIwala sa kakayahan ng iilan, walang harangan, kailangan ay pantay pantay ang pagbibigay ng oportunidad na umunlad sa baWat gawa. Tandaan na tayo ay maliliit na isda lamang. Kung sa simula pa lamang ay may ipitan na, Wala tayong bukas na inaabangan.


6. Paano natin mahihikayat ang ibang tao(lalo ang hindi mahilig magbasa) na magbasa?

 - Ingitin natin sila, itaguyod natin ang imahe ng sining ng ating mga dibuhista, Itaas natin sila pati na rin ang mga manunulat. Kilalanin natin sila para kilalanin din sila ng lipunan bilang sila at hindi kung ano lamang ang tingin ng iilan. the industry is not about komiks, but about the people in it. Mas successful sila, mas maganda ang magiging tingin ng marami sa kanila at sa industriyang ginagalawan nila.


7. Bukod sa pagkakaron ng mga convention, ano pa ang ibang paraan para mas maiangat ang industriya ng komiks? (Mga paraang tiyak na pag-uusapan ng maraming tao.)

 -Malamang na marami tayong maiisip dito pero hindi ito ang kailangan kundi ang pagbuo muna ng isang matatag na imahe ng isang Maayos na KOMIKS na mukhang muling pagkakatiwalaan ng bawat mambabasa.


8. Paano natin mahihikayat ang mga publisher na mamuhunan sa pagkokomiks? (Alam ko, mayroon ng Visprint at Black Ink Komiks, e paano ang iba? At paano madadagdagan ang mga publisher na maglilimbag ng komiks?

- wala, maliban sa self-publishing na mahirap. Wala tayong magagawa kundi ang ilapit sa kanila ang mga proyektong maaari nilang kagatin. Ang dapaT ayusin ay ang mga bagong paraan upang lalong umunlad ang creators KASAMA ng mga publications na ito. Hindi dapat work for hire lang na walang dagdag na insentibo matapos sa paggawa ng komiks ang mangyari. A healthy artist is good for business, but a wealthy one is divine!


9. At ang pinakahuling tanong, naniniwala ka bang walang mangyayari sa industriya ng komiks dito sa ating bansa kaya dapat mag-abroad na lang ang mga artist?

- Hindi po kailangan lumabas ng Bansa para makapagtrabaho na pang international, sa katunayan. Mas marami ang artist na magpapaiwan sa bansa ay  mas mainam. Lalakas ang pwersa, imahe at tiwala ng buong mundo sa ating kakayanan bilang comic creators.


 Sana ay maayos ang mga sagot isang puyat na tulad ko pero kung may naisip ako, idadagdag ko.

-Gilbert Monsanto

Thursday, March 06, 2014

New Cover Promo


email me at smp_letters@yahoo.com or visit my facebook and PM me there.
https://www.facebook.com/gilbert.monsanto

Monday, February 17, 2014

FREE comics Project: Philippine Komik GIRLS



 This year, I have a new goal to support the Local comics industry. I'll be doing pin-ups, either random or commissioned ones for 2 thousand Php each. I'll be needing 20 to print out 1,000 copies and be given to possible new readers...FREE!

 These pieces will be inked pieces on 11 x 17 artboards. I can send them through LBC within the Philippines only, any buyers outside the country should carry the shipping cost.

 The characters featured should be Local komiks characters.

 If you have any request, please email me at smp_letters@yahoo.com

Thank!
-Gilbert Monsanto

https://www.facebook.com/groups/1461017317452512/