DARNA 50th anniversary
(story by Gilbert Monsanto)
50-page book that I planned to do.
6- 10- pager stories in one book.
1st Story “KAIBIGAN”
Sa isang madilim at delikadong parte ng siyudad, sa
isang abandunadong kubo, isang sigaw ng saklolo ang pumutok sa gitna ng gabi. Tinig ng isang
babaeng nasa panganib. Ngunit ilang saglit lang ay napalitan iyon ng mga tinig
ng ilang lalaking tila isa-isang nagagapi.
Isang barangay tanod ang nagusyoso sa kaguluhang
nangyayari. Nagulat ito sa nakita, halos kalahating dosenang kalalakihan ang
isa isang pinababagsak ng isang babae, ang babaeng nakilala ng lahat bilang si
Darna. At sa isang tabi ay isang babaeng halos hubo’t hubad, halatang
pinagtangkaang gahasain ng mga ulupong.
Isa na lang ang natitirang nakatayo, at handa na
itong patikimin ni Darna ng kamao subalit saglit itong natigilan… “ Bong?”
Baliktanaw, Nakikita natin si Narda sa isang
iskwelahan, High school siya, sophomore. Makikitang kasama niya ang isang
kaibigang lalaki, ito si Bong noon.
Tahimik, simple lang at malungkutin. Naguusap sila at napagalaman niya na mula ang binata sa
hiwalay na pamilya. Parating may nagiimbita sa binata na sumama sa isang
Fraternity. Noon, di niya pinapatulan, hanggang sa isang araw siya ay nakitang
bugbog sarado sa labas mismo ng paaralan. Kaya sa muling paghikayat sa kanya ay
sumama na ito, proteksiyon daw.
Ilang linggo lang ay agad nagbago si Bong. Hanggang
sa di na ito pumapasok at naiwanan na
lang si Narda na nanghihinayang sa kaibigan. Isang gabi handa na sila ni Ding
na magtinda ng sampaguita. Nakakakita sila ng kislap mula sa langit, maliit ngunit
napakaliwanag na ilaw ang bumagsak sa kanilang harapan. At sa kanilang
pagkamangha ay isa pala itong napakakinis na bato na may nakaukit na mga titik
na tanging si Narda lang ang nakabasa. “Sa pagsubo ng Kapangyarihan, Katarungan
sa lahat ng naaapi, DARNA!” Pinilit ni Ding na isubo ng ate ang bato at sa
pagsambit ng Darna ay nagbago na ito ng anyo. Simula noon ay sikreto na silang
tumutulong sa mga naaapi.
At narito na siya sa pagkakataong ito, di siya
makapaniwala na magkakaganito si Bong, lango sa pinagbabawal na gamot at tila
nagsa-asal hayop. “ Sige,… ani ni Bong. Tapusin mo na ang paghihirap ko, ayoko
na ng buhay ko kaya dapat lang na tapusin mo na ako.” “Makinig ka Bong,
ilalagay kita sa Rehabilitation Center, at doon
ay magsisimula ka ulit para maituwid mo ang iyong pagkakamali.” Bulong
ni Darna. “ Ako? Sino naman ang magbibigay halaga sa isang tulad ko? Wala akong
maisip man lang ni isa, na magbibigay halaga sa akin, wala.” Nakatitig lang si
Bong, at di mawaring naluluha. “ May isa akong kilala Bong… Ang kaibigan mo, si
Narda. “ natigilan si Bong. “ nilayuan ko siya, hindi ako karapatdapat na
maging kaibigan niya. Nahihiya ako sa kanya.” Tila natauhan at tumahimik na
lamang parang naintindihan nito na mali ang iniisip niya sa kanyang sarili,
meron pala siyang halaga kahit sa iisang
kaibigan, si Narda.
Lumilipad si Darna, tila nagiisip. Ngayon niya lubos
na naintindihan na nasa pagpili ng tao ang daan tungo sa tamang landas o sa
isang madilim at kawalang pangasa na buhay na puno ng kasamaan at paghihirap.
Sana ay muli niyang matutulungan si Bong upang makabangon. At lalo pa niyang ipagpapatuloy ang pagtulong
sa kapwa at pag pigil sa mga elemento ng kasamaan, bilang si Darna.
End
of Chapter 1
KUKO NG BABAENG LAWIN
2nd
Story
Bali-balita
sa buong bayan ang gabi-gabing pamamaslang ng isang di nakikilalang nilalang.
Ayon sa iba, isa daw itong higanteng lawin. Dahil dito ay nagibestiga si Darna
sa lalawigan. Napansin niyang marami ngang Lawin sa bulubundukin nito subalit
walang higante. Hanggang sa matunton nito ang isang malaking bahay sa tutok ng
isang burol. Doon, nakausap nito ang isang siyentipiko.
Lasing ang
may-ari ng bahay at dahil sa kalasingan ay nasabi nito ang isang nakakagilas na
kwento. Siya pala ang nabalitaan noong baliw na Doktor Lucio, ang taong
bumubuhay ng bangkay. Dahil sa takot ng baryo sa kanyang ginagawa, sinunod nila
ang tahanan nito subalit di alam ng lahat na sa loob niyon ay ang nagiisang
nitong anak na si Armida, pinakamamahal niyang si Armida. Lumayo si Lucio at
napapadpad sa burol na ito na pinamumugaran ng mga Lawin.
Isang
araw nagising na lamang siyang may Malaking Lawin sa kanyang harapan at sa
paanan nito ay isang sanggol, tila inaalay sa kanya. Doon naisip ng Doktor na
bumalik sa kanya ang kanyang Armida bilang isang Lawin upang sa takdang panahon
ay isa-isang nitong dadagitin at papatayin ang mga taong umapi sa kaniya. Sa
karunungan nito sa siyensiya , Nilagyan niya ng katangiang mala- lawin ang
bata, Matalas na mata, magaang na buto at mga kuko sa paang pandagit sa mga
kaaway nila at artipisyal na mga papak upang makalipad.
Hinanap
ni Darna ang kanyang anak subalit bago pa man nakapagsalita ang Doktor, nandoon
na ang babaeng Lawin, si Armida. Pilit ipinaliwanag ni Darna na mali ang
kanyang ginagawa at wala sa sariling ulirat ang naturingan nitong magulang.
Subalit lalo lang nagalit si Armida at sinugod si Darna, sa himpapawid sila
nagbuno.
Sa ibabaw ng baryo napagpatuloy ang
laban, sinabi ni Darna na kung totoo lahat ang kwento ng amain nito ay kilala
niya ang tunay nitong magulang , ang
nagmamayari ng kwintas na suot-suot niya mula pa ng pagkabata. Pinagamit niya
ang matalas nitong mata upang tignan ang isang babae sa ibaba at naroon nga ang
isang ina na may kwintas na tulad ng suot ni Armida.
Natigilan si Armida, pagkuwa'y sumigaw
ng napakalakas at lumipad ng matulin tungo sa bahay ni Doktor Lucio. Sinundan
ito ni Darna at nagulat siya sa kasunod na nakita. Ang gutay-gutay na katawan
ni Lucio. Hindi matanggap ni Armida na ang lahat ng paghihirap niya sa mga
experimento ng naturing ama at ang ang paghihiganti nito ay pawang
kasinungalingan ang buhay niya ay isang malaking kasinungalingan. Lumingon ito
kay Darna, " Gusto kong makilala ang tunay kong Magulang. Susuko na
ako."
Minsan gaano man sikaping baguhin
ang kaanyuan at bihisan ang isang nilalang, isa lang di tuluyang mabubura sa
kanyang kabuoan, ang katotohanan.
End
of chapter 2
3rd Story: PUSO
NG ISANG TUOD
Sa isang kasalan maguumpisa
ang ating kwento, Ipinagsabay ito ni Lucifera sa kanyang 18th kaarawan. Hindi
lamang iisang kamalian ang matutunghayan nating sa pagtitipong ito. Umiiyak at
takot na takot ang ina nitong si Martha, parating nakatingin sa orasan. Ang
malungkot na mukha ng kapatid nitong si Angela, sa dahilang ikakasal ang
kanyang ate sa lalaking pinakamamal niya. Si Rodrigo ang groom ay blangko ang
pagmumukha, di makapaniwalang ikakasal siya sa babaeng napilitan lamang siyang
panagutan dahil sa isang aksidente. At si Lucy? Kahit na nakangiti ay di
kailanman nabensiyunan sa simbahan dahil sa isang kasunduan ng kanyang ina
upang sagipin ang kanyang buhay. Kasunduang sa araw na ito ay magiginga kampon
na siya ng kausap ng kanyang ina, isang kasunduan kay SATANAS!
Bigla na lamangdumilim ang paligid,
kumulog, kumidlat at sa pagdating ng isang napakalakas na hangin ay isang
nakakakilabot na halakhak. Doon nagsimulang magbago aanyo ni Lucifera. Tila ang
mala-manikin nitong kutis naging isang tuyot at magaspang na Tuod. Nanlisik ang
mga mata nito at tila wala sa sarili ay inihagis ang pari sa isang pader. Subalit
nang makita nito si Rodrigo, parang natunaw ang puso nito at tila napahiya sa
kanyang kaanyuan, mabilis nitong nilisan ang simbahan.
Ilang araw na ang kararaan at
laganap na sa balita ang mga biktima n Lucifera. Ang bawat biktima ay
namamataang nakatirik sa lupa tila isang halamang natuyo sa init ng araw.
Kailangan kunin ni Lucy ang katas ng bawat biktima nito upang manatiling buhay.
Isang bata ang namataan ni Lucy na
nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Hide and seek ang laro at siya ang taya.
Habang nagbibilang ito, di niya namalayan ang paglapit ng babaeng tuod. Sa
paglingon ng bata natakot ito sa nakita. Subalit nagkamali ang babaeng tuod sa
bibiktimahin, sapagkat ang batang ito ay si Ding at pag nandiyan si Ding di
malayong nandito rin si Darna! Bigla ang dating ni Darna, pinigilan ang
pagdampot sa bata.
Pinulupitan ng mga tuod si Darna,
pilit pinipisa ang buhay ni Darna pero ang katangiang lakas ni darna ay sadyang
di mapantayan. Bumuhos ang malakas na ulan. At habang nagsasagupaan ang dalawa
dumating si angela na may kasamang pari. Habang pinipigilan ni Darna ang
babaeng tuod ay binendisyunan ng pari ang mismong ulan na bumubuhos sa kabuoan
ni Lucifera. Biglang natunaw ang tuod nitong kaanyuan at nagbalik siya sa
pagiging tao. Pinagsisihan ni Lucy at pinatawad na siya ni Angela sa anumang
pagkakamali nito. Subalit sa galit ni Satanas tinudla nito ang dalaga ng isang
kidlat, kidlat na hinarangan ni Darna. Ilang beses pa at hinarang ni Darna
lahat ng ibinigay ni Satanas sa kanya. Hanggang sa mabuo ng pari ang orasyon
upang mapaalis ang masamang sumapi sa dalaga.
Natapos na ang unos, kapalit nuo'y
katahimikan at isang hudyat ng pagpapala, ang bahag-hari. Isang bagong simula
para kay Lucy. Buhat buhat ni Darna si Lucy sa himpapawid, inilalapit sa grasya
at liwanag ng panginoon, nakangiti ang dalaga. Nabunutan ng tinik sa kanyang
dib-dib.
End
of 3rd chapter
Pag-Ibig at Tungkulin
4th
story
Sa Himpapawid, dalawang pambihirang
nilalang ang naglalaban. Lingid sa kaalaman ng marami, kailan lamang ay naging
magkasintahan ang dalawa. Si XART, dayuhang mula sa malayong planeta. Nagpanggap
na tao bilang si Raul,. Si Darna naman,
dahil sa kalungkutan ay nagbago ng anyo bilang si Daria. Hindi makapaniwala ang
dalawa sa nagyayari sa kanila, at kahit na ayaw nilang magkasakitan ay patuloy
silang tumutupad sa kanilang tungkulin.
Isang linggo and nakalipas nang
maramdaman ni Darna ang pangaasam ng isang pagibig na kailanman di niya
nararanasan, dahil sa pambihirang kakayahan ng tagapagtanggol ay wala itong
makitang lalaki na may lakas-loob na lumigaw sa kanya. Dahil dito, naisipan
nitong gamitin ang isa pang kakayahan na ngayon lamang niya sinubukan ang
pagpapalit-anyo. At siya ay naging si Daria, kagandahan ni Darna sa isang
katawang taglay ni Narda , ang isang pangkaraniwang tao.
Dahil sa katauhan niyang ito ay
marami ang lumigaw sa dalaga, subalit iisa lamang ang nagustuhan ni Daria, at
iyon ay si Raul. Subalit si Raul ay may isang sekreto, ang tunay nitong misyon
bilang isang dayuhan na bumibihag ng mga tao upang eksperimentuhan at palitan.
Si Daria ang bago nitong biktima.
Subalit may isang di inaasahang
kaganapan ang tumumbad sa dalawa, sila ay umibig. Walang magawa si Raul kundi
sundin ang kanyang tungkulin at dinala nga niya ang dalaga sa kanilang
sasakyan, naroon natangpuan ni Daria ang iba pang bihag kasama na doon ang
tunay na Raul. Iyon ang pagkakamali ni XART. Nagsaanyong Darna si Daria at
nagsimula na ang pagliligtas sa mga bihag. Isa-isang nalipol ang mga dayuhan at
si Xart na lamang ang naiwan, nakasalalay sa kanya ang pagpapasabog sa buong
planeta, kapag ang plano ng pagdarakip ay di maging tagumpay, balik tayo sa
unang eksena.
Ilang beses nang tinudla ni Xart si
Darna, subalit di pa rin nito tuluyang magapi ang dalaga. Sa totoo lang ay
hindi magawa ng dayuhan ang ilagay sa pinakamalakas na antas ang kanyang
sandata, dahil umiibig pa rin ito kay darna. Gayun din si Darna sa isip ni
Darna ay kaya nitong patumabahin ang kaaway sa isang suntok, nagpipigil ang
dalawa. Sinubukang kausapin ni darna upang sumuko ang planetman subalit tapat
ito sa tungkulin, at iyon ang di mapapahintulutan ni Darna.
Dahil sa paglalaban, nasira ang
isang aparato ni Xart, ito ay sasambulat at sa lakas ng pagsabog ay kayang gunawin
ang daigdig. Sa paglapit ni Darna kay Xart ay si Daria ang kaniyang naaninag,
pinagtapat nito ang tunay niyang damdamin at ang paparating nilang wakas.
Inutos nitong ihagis siya ni Daria sa kalawakan kung saan magigng ligtas ang
pinakamamahal nitong si Daria. Mabilis na dinala ni Darna si xart sa laba ng
daigdig at inihagis ng pagkalakas tungo sa kawalan. Sa pagsambulat ng Planetman
ay tumilapon si darna pababa sa planeta.
Pagbangon ng dalaga, natanggap na
nito ang pagkakamali. Para sa kanya, sa pagkamatay na si Xart, patay na rin si
Daria. Napagalaman niya rin na di kailanman niya kailangang limutin na narito
pa si Narda, kailangan niyang dumaan sa tamang pamamaraan ng paglaki at
pagkakatuklas ng isang tunay at wagas na pag-ibig.
Sumigaw siya ng Narda, at lumabas na muli ang
dalagitang si Narda, luhaan at naaawa sa sinapit na hinanakit sa damdamin ni
Darna
5th story:
VALENTINA!
"Ako
si Valentina, Diyosa ng mga ulupong sa Daigdig. Bakit ako nagkaganito?
Bakit?".Ipakita nating nakabaligtad si Valentina, nahuhulog siya nito sa
bangin pero di pa natin ipapaalam ng lubos. "Bakit ninyo ako pinabayaan
Ina? Ama? Pati ang pinakamamahal kong
edwardo? Tinawag nila akong babaeng ahas subalit sila ang mga AHAS!"
"Eeee! Ahas may mga ahas ang
iyong Anak!" Baliktanaw nung pinanganak si Valentina at natakot ang Hilot.
"Walang makakaalam nito nanang , pakiusap." Ani ng tatay niya.
Subal;it di na talaga makakaabot ang balita subalit sa bago pa man makauwi ang
hilot ay nilingkis na ito ng isang sawa, tila alam ang balak ng hilot. Dumaang
ang panahon at nagawang ilihim ng magasawa ang sikreto ng anak, subalit dahil
sa kagandahan ng Mukha ni Valentina, di maiwasang di makilala siya sa buong
kabayanan. At di naglao't marami na ang balak lumigaw sa dalaga.
Subalit sa dinami-daming manliligaw
ni Valentina, tanging si edwardo lamang ang napupusuan niya, si edwardo na ang
pagtingin sa kanya ay isang malapit na kapatid lamang. Hanggang sa dumating ang
malagim na gabi, Isang anak ng alkaldeng makapangyarihan ang pumasok sa bahay
nila kasama ang mga armadong tauhan, pinilit maangkin ang dalaga, dahil sa
pagpipiglas ng dalaga, natanggal ang panakip nito sa mga ahas niyang buhok,
Hintakot naagwala ang lalaki at naglabas ng baril subalit huli na, narinig na
ng mga ahas sa gupat ang panaghoy ng dalaga at sinaklolohan siya. Ubos ang mga
taong armado, pilit pinasuko ng magulang niya si Valentina dahil nakapatay ito
ng tao , doon lumabas si kobra ang matandangsawa na may ulo ng tao, at dahil sa
pagkutya nito ay napatay niya ang kanyang magulang.
Magisang namuhay si Valentina,
subalit nalaman din ng baryo ang kanyang kaanyuan dahil sa iisang tauhan na
nakatakas nung gabing iyon, tinugis si Valentina at napilitang mamundok,
gumanti siya at nilipol ang buong Baryo, at dinala si edwardo sa kanyang tabi.
Tumakas ito ngunit madali ding nabawi sa kundisyong hindi papatayin ang tunay
na kasintahan, doon na siya nasundan ni DARNA!
At Nagtagisan na ng LAKAS dalawang diyosa.(Fight scenes)
Subalit sa huli ang katarungang pinanghahawakan ni Darna pa rin ang nanaig.
"Ipagpatawad mo ang pagkukulang ng mga tao Valentina, kailanma'y di dapat
maging basehan ang pagkakaiba ng itsura ng isa't-isa ang paghusga at pagtrato
sa kanya. Mapaputi man ang balat o maitim, kailangan pa rin tayong
makipagkapwa-tao. Kaya ibinibigay ko ang aking kamay sa iyo, hayaan mong
tulungan kita na maintindihan nila na tao ka pa rin, kaya ka nasaktan ay dahil
tulad ng Tao ay may PUSO ka rin. Katunayan nitong tao ka Valentina Tao!"
Pakiusap ni Darna. " Salamat Darna at binuksan mo ang aking pagiisip,
subalit huli na ang lahat para sa akin, mapatawad man ako ng tao at sana'y pati
na ang diyos… Di ko mapapatawad ang aking sarili." Pagkatapos ay lumundag
ito sa isang bangin kung saan nakaratay ang bangkay ng kanyang mga magulang.
"Ito na ang aking katapusan.
Valentina ako'y pinangalanan, tama lang na ako'y pumanaw na tumitibok ang puso
at hindi baon sa galit. Ngayo'y tunay na akong malaya." Ipakita na nahulog
na si Valentina, kahit na bali na ang katawan nito maganda pa rin ang mukha
nito, ang kagandahan na walang kupas ang mukhang VALENTINA.
Sa pagkakataong ito… LUMUHA si
DARNA!
End
of chapter 5
6th Story: Kwento ni Ding
“Gabi muli sa Siyudad, Magkakasama
na naman kaming magdadala ng mga Sampaguita sa kalsada.“ “Sabi ni Ate Narda, ito raw ang pambansang
bulaklak pero bakit kaya ganun? Pag lumalapit kami sa mga kotse, di man lang
kami pinapansin?” Ipakitang may mga bata na naghahati hati ng mga panindang
bulaklak kasama na dito si Ding at isang dalagita na si Nena.”Ito namang si
Nena ay panay mga lalaki ang bumibili minsan gusto pa siyang isama.”
Ipakitang kinakausap si Nena ng mga
mukhang goons na huminto sa stop light. “ Buti na lang, nadirito parati si Ate
Narda. “ Nena ani ate, hinahanap ka na ni Nana Seling mo!” “ At Mama! Sabi pa
niya, Naka GO signal na po! Baka mahuli kayo ng pulis!” Sabay harurot ng Kotse
wari’y galit sa Dalagita.
“Sari-sari talaga ang kwento dito sa
lansangan, Tulad ni Mang Arturo. Parati niyang dala-dala ang isang sapatos na
di pa gamit, di naman kasya sa kanya.” Isang lalaki na may nakasukbit sa leeg
na rubbershoes na pambata, madungis pero ang sapatos ay alagang-alaga. “ Sabi
ni Ate ko, Magaling daw na negosyante si mang arturo, pero minsan paguwi niya
sa bahay dala-dala ang ang bagong biling sapatos ay nakita na lang niya na sunog na ang bahay
nila at kasama ang kanyang buong pamilya, lumaking ulila ito ang buong buhay
niya ay ang pamilya niya, ‘yan siya ngayon di na pinagpatuloy ang buhay,
tanging ang sapatos na lamang ang kanyang inaalagaan.”
“kami naman, galing pa kami sa
probinsya, ulilang lubos na rin. Nakitira lang kami dito sa Lola ko, buti na
lang at maraming libro sa kanila, yung mga pinaglumaan na ni Ama. Masipag si
Ate at mahilig mag-aral. Sa umaga ay nagaaral si Ate habang sa gabi ay
nag-titinda ng Sampaguita at kung anu-ano pang mga paninda, kaya sumasama na
rin ako sa kanya.” Ipakita na masipag nga at mahilig magbasa si Narda, edukada
ang Dalaga. “ Minsan, nagtataka rin ako, kasi may nakikita akong mga bata sa
loob ng magarang sasakyan, pero malungkot siya, iniisip ko bakit kaya? Ang
suwerte swerte nga niya eh.” Ipakitang nagaaway ang mga magulang ng bata sa
loob ng kotse at nagtititigan sila nung bata at si Ding.
“Pero may sekreto kami ng ate ko!
Isang Tagapagtanggol ang Ate ko! Iyon ang sabi niyang tawag sa kanya eh.
Lumalaki siya at nagkakaroon ng powers. Ang galing galing nga niya eh. Minsan
sumasama nga ako sa kanya . Matapang yata ako pero minsan ang papangit ng mga
kalaban ni Ate. Pero alam mo? Masarap talaga pag nakakatulong sa kapwa, minsan
nga ang kalaban mismo ni ate ang tinutulungan niya eh.” Ipakita ang mga
adventures nila ni Darna. ”Kaya ako? Malamang pag laki ko magiging Pulis ako,
tulad ng tatay ko! Sabi ni Lola, wala daw kinatatakutan ang tatay ko… sayang
wala na siya, pero nasa akin pa rin ang Medalya niya sa pagkakapulis, ang ganda
nga eh.”
“ Ikaw taga saan ka?” Isang maliit
na fairy na babae ang kausap niya. “DING? DING!” sigaw ng lola. “ Naku tawag na
ako ng Lola ko, ikaw uuwi ka na rin ba?” Tumango lang ang fairy na
nakangiti “ O paano? Hanggang sa muli
ha? Paalam muna, Paalam!” Makikitang lumilipad na ang fairy, top shot ito at
makikitang kumakaway si Ding.
Hanggang
sa muling Pagkikita!
End
of Last Chapter
No comments:
Post a Comment